Ipinagmamalaki ngCEO-social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin sa kaniyang social media account na nakapagtapos siya ng kursong Medical Technology sa Far Eastern University (FEU).
Marami umanong nambabash sa CEO at ginagawa umano siyang katatawanan sa social media. Lalo't kamakailan ipinasilip niya sa online world ang kaniyang 'singit' para sa promotion ng kaniyang ibinebentang feminine wash.
Sa kaniyang Facebook post noong Mayo 9, ipinagmalaki niyang kabilang siya sa pilot section noong nag-aaral pa siya at nakakuha umano siya ng "uno" sa Pharmacology subject niya.
"Never underestimate FEU MEDTECH GRADUATE, lalo na sa estudyanteng UNO sa PHARMACOLOGY subject at SECTION1 /PILOT SECTION," panimula ni Rosmar.
"Simula ngayon ibang rosmar na ang mapapanuod nyo sa tiktuuuuk at socmed. Ang ROSMAR na ginamit ang PINAG ARALAN, at hindi pang katatawanan. Focus tayo sa INGREDIENTS AWARENESS nf ROSMARS PR0DUCTS kung bakit ito safe sa inyong skin. Focus tayo sa REJUV SET NATIN!" dagdag pa niya.
Sa huling bahagi ng kaniyang post, pinatutsadahan niya ang mga umano'y nanghuhusga sa kaniya: "Para sa mga taong nanghuhusga sakin as “WALANG ALAM”? Ibabalik ko sainyo yan. BAKIT ANO PO BANG TINAPOS NYO? Para makapag savi kayo sa kapwa ng ganyan."
Samantala, sa hiwalay na post, inupload niya ang "resibo" na nagpapakita ng mga nakuha niyang grado.
"Nakakalungkot nowadays yung sasabihan ka na “WALANG ALAM” kahit graduate ka ng MEDTECH sa FEU BATCH 2015 At SECTION 1 Ka pa, napakaraming sleepless nights tapos mang gagaling pa yan sa taong uneducated. The audacity," saad ng CEO sa caption.