Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality, motivational speaker, at negosyanteng si Rendon Labador sa naging pahayag ng komedyanteng si Michael V o "Bitoy" tungkol sa vloggers o content creators.

Ayon kasi sa Facebook post ni Bitoy noong Abril 29, 2023, "The first thing any 'content creator' should understand is the meaning of the word: 'CONTENT.'"

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Walang binanggit na pangalan o hindi naman kilalang detractor ni Rendon, subalit napa-react dito ang negosyante-vlogger bilang isa rin siyang content creator.

"Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW," aniya.

Dagdag pa ni Rendon, "INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipagpatalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag-produce ng content.. manahimik na lang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM."

Screengrab mula sa FB ni Rendon Labador

Ang huling artistang "tinalakan" ni Rendon ay si "FPJ's Batang Quiapo" lead star at direktor na si Coco Martin dahil sa pagte-taping nila sa Quiapo, na nakakaistorbo raw sa mga nagtitinda roon.