Tuwing Mayo, ipinagdiriwang ang 'Mental Health Awareness Month.' Ito ay upang talakaying ang mga issue patungkol sa mental na kalusugan nang walang halong stigma.

Isa na sa mga aktres na nakikiisa sa pagdiriwang ng makabuluhang pagdiriwang na ito ay si Maxene Magalona, at isang mensahe nga ang kaniyang isinapubliko upang bigyang payo ang lahat ukol sa selebrasyon.

Aniya, "It’s #mentalhealthawarenessmonth and my dream is to see more families all over the world practice the art of conscious communication."

Pagbabahagi ng aktres, maraming pamilya ang hindi na-address ang mga problema dahil hindi napag-uusapan ang mga ito dahil sa dulot nitong hindi komportable o "awkward."

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Naniniwala si Maxene na walang problemang mawawala sa pamamagitan lamang ng pagsasawalang-bahala nito.

"Mental health issues are a natural part of our lives and the sooner we accept and address them as a family, the better we are able to heal and grow together," ani Maxene.

"We need to create safe spaces in our homes wherein we can practice healthy and honest communication without needing to get overly emotional. Instead of fighting and shouting at each other, we can choose to talk calmly with love and compassion. Instead of completely ignoring one another, we can pray for our loved ones and hope for the best. Instead of judging and blaming one another, we can take responsibility for our own healing and make the decision to work on ourselves," payo ng mental health advocate.