Dumating na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mula sa dinaluhang 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Labuan Bajo, Indonesia.

Dakong 5:54 ng hapon nang lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City ang eroplanong sinasakyan ni Marcos, kasama ang delegasyon ng Pilipinas, kabilang si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa nasabing pagpupulong, kasama ang mga ASEAN leader, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagpapatibay sa international rules-based system na sumusuporta sa regional security, kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Binanggit din ng Pangulo ang pangako ng Pilipinas sa patuloy na malayang kalakalan at multilateral trading system.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"We continue to work towards long-term food and energy security, and to address the impacts of climate change, amongst other things," bahagi ng arrival speech ng Pangulo.

Philippine News Agency