Mahigit na sa 200,000 ang backlog sa driver's license card, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Inanunsyo ito ni LTO chief Jose Arturo Tugade nitong Huwebes sa gitna ng imbestigasyon ng ahensya sa kakulangan ng plastic identification (ID) card para sa driver's license.

Ayon kay Tugade, nasa 234,149 pang lisensya ang hindi pa nailalabas ng ahensya at ang pinakamataas ay naitala sa Region 4A (Calabarzon) ar Region 3 o Central Luzon.

Kaiugnay nito, nangako naman si Tugade na dadagdagan pa nila ang bibilhing driver's license card sa mga susunod na taon upang matugunan ang problema.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'