Sumang-ayon ang celebrities na sina Kapuso trivia master/TV host Kuya Kim Atienza, aktor na si Joross Gamboa, at celebrity doctor na si Dr. Kilimanguru hinggil sa mga binitiwang pahayag sa Facebook post ng Kapuso comedian na si Michael V patungkol sa mga content creator.
Ayon kasi kay Bitoy noong Abril 29, 2023, "The first thing any 'content creator' should understand is the meaning of the word: 'CONTENT.'"
Marami sa mga netizen ang sumang-ayon sa sinabi ng komedyanteng nasa likod ng "Bubble Gang" at "Pepito Manaloto."
"I think they know what it means. The problem is they don't stop to think whether they should do it."
"Parang 'Influencer'. They treat and proclaim themselves as influencers but they don't know the real meaning behind. They should know the difference of being 'Famous' and 'Infamous.'"
"Should not be just for the likes and views… should be something informative that everyone can learn…"
Ngunit inalmahan naman ito ng kilalang social media personality-negosyante at "motivational speaker" na si Rendon Labador.
"Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW," aniya.
Dagdag pa ni Rendon, "INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipagpatalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag-produce ng content.. manahimik na lang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM."
Tila rumesbak para sa kaniya ang mga kapwa celebrity na sina Kuya Kim, Joross Gamboa, at Dr. Kilimanguru.
"Amen brother. 🙂 it's not about views. It's about value. 🙂," sey ni Kuya Kim.
Pahayag naman ni Joross, "Kuya Michael V. daming tinamaan… yung isa nga sa mukha eh 😂 but seriously speaking… kapul talaga 🤣… deh eto totoo na umiiyak na siya 🫢🤭😂🤣 anyways… Quality > Quantity, Purpose & Responsibility."
"Absolutely," pagpabor naman ng celeb-doctor na si Dr. Kilimanguru.
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rendon o Bitoy tungkol dito.