Kamakailan ay ibinahagi ng beteranong broadcast journalist na mayroon siyang isang mental health issue na tinatawag na “bipolar disorder” at kung paano niya ito nilalampasan sa pamamagitan ng sports.
Inihayag ng GMA host na si Kara David na mayroon siyang mental health issues at isa sa mga paraan para ma-overcome niya ang ito ay ang pagsali sa mga marathon at triathlon.
Sa kaniyang panayam sa isang episode ng podcast ni Nelson Canlas, ibinahagi ni Kara na siya ay na diagnose na may bipolar disorder, isang sakit sa pag iisip na nagiging sanhi ng biglaang pag-iiba ng mood, activity levels, enerhiya, at konsentrasyon ng isang tao.
Matagal na raw niyang alam na mayroon siyang ganitong kondisyon, kaya naman pagbabahagi niya na isang paraan ang pag-eehersisyo para makapaglabas ng natural endorphins ang katawan.
“Matagal ko na yong alam na I have bipolar disorder. And kapag meron kang ganung klaseng kondisyon, iyong manic depressive one way para hindi naman ma-cure.
“One way para hindi naman ma-cure, pero mamanage mo ‘yong iyong mental health issues mo ay to go into sports”
Dagdag pa niya, nang magsimula siyang mag-gym at maglaro ng badminton doon niya nakilala ang aktor na si Onemig Bondoc, na naghahanap ng babaeng swimmer para makasali sa kanilang triathlon team noong panahong iyon.