Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Energy (DOE) at ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pag-ibayuhin at maagap na tugunan ang power shortage na nagbabadya sa bansa.

"I urge both the Department of Energy (DOE) and the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) to step up and proactively address the power shortage looming over the country."

Aniya, tila walang nangyayaring pagkilos dahil taon-taon na lang problema ang blackouts at kakulangan ng suplay.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

"Both of these agencies should step up and put an end to this energy crisis once and for all," ani Hontiveros.

Idinagdag niya na ang DOE at NGCP ay dapat ding magbigay ng isang transparent na power at rates outlook para sa mga darating na araw at buwan kasunod ng hindi inaasahang pagkawala ng kuryente sa buong Luzon at Visayas dahil sa pagkakatisod ng Bolo-Masinloc transmission lines ng NGCP.

Hindi lamang naapektuhan ng aberya ang supply sa Luzon, kundi pati na rin ang mga export sa Visayas, na nauubusan na ng supply mula noong nakaraang linggo.

Kamakailan lamang, kinalampag ni Kabataan Party Representative Raoul Manuel ang Kongreso upang imbestigahan ang nagaganap na power outage sa mga lalawigan na sakop ng Panay Island at Negros Region.

MAKI-BALITA: Brownout sa Panay, Negros, dapat imbestigahan ng Kamara — Rep. Manuel

Apektado ng brownout ang Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, at Negros Occidental.

Inihain ni Manuel ang House Resolution 944 na nag-uutos sa Kongreso na maging third party at masilip ang sangkot sa rotational brownouts upang makuha ang totoo at malinaw na larawan.