Tila naglabas ng hinaing at saloobin ang Filipina athlete, beauty title holder, at news personality na si Gretchen Malalad hinggil sa proseso ng pagtatanong na isinasagawa sa immigration kapag aalis ng bansa para magbakasyon o mag-travel.

Bago kasi makaalis ng bansa ay kailangan munang dumaan sa pag-uusisa ng "immigration officers" upang matiyak na maiwasan ang mga Pilipino na hindi na babalik ng Pilipinas, gayong travel o pasyal lang naman ang idineklarang gagawin sa bansang pupuntahan.

Ani Gretchen sa kaniyang tweet ngayong umaga ng Mayo 11, "It’s so stressful traveling alone for vacation. Sa immigration ang daming tanong na parang assume nila hindi ka na babalik ng Pilipinas 🙄 Ikukwento mo buong life story mo. I just experienced this in T1."

"Hay naku Pilipinas ang hirap mong mahalin."

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

https://twitter.com/gretchenmalalad/status/1656431542804299776

"Ok ayoko na magpa-stress. Vacation mode on!😋" saad pa niya sa isang tweet.

https://twitter.com/gretchenmalalad/status/1656444393690382336

Tila marami naman sa mga netizen ang naka-relate sa mga sinabi at naranasan ni Gretchen.

"I wonder why there is a need for 'exit interview' with immigration in the Philippines when there is absolutely none when you depart the USA. Heard horror stories of off loading. A Manila officer asked for my US Green Card when I was traveling to Bali, NOT US. I declined to show it."

"Ay! Ipinakita mo sana lahat ng medals mo para magkaalaman sino mas may ambag sa Pilipinas."

"Sabi, to deter human trafficking or yung pag-ooverstay ng Pinoy in other countries to work illegally."

"Korek kaya nakakatakot minsan umalis haha, iba yung level ng kaba lalo na kapag masungit ang immigration officer."