Sinupalpal ng aktor na si Dominic Roque ang isang netizen na nagsabing madalang niyang i-flex ang mga natatamong achievement ng kaniyang girlfriend na si Kapuso star Bea Alonzo sa social media.

Nag-IG post kasi si Dominic ng kaniyang throwback photo at batay sa lokasyon ay nasa "Robert Robert Mondavi Winery" na matatagpuan naman sa Oakland, California, USA. Hindi naman tiyak kung sino ang kasama niya sa litrato o solo lamang siya.

"Good morning… Have a great day.🌤️ #tb," caption ni Dominic.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ngunit isang netizen ang nagkomento at tila "umusig" kay Dom kung bakit hindi man lamang nito flinex si Bea, lalo na ang pag-appear nito sa theater play na "Ang Larawan" noong Sabado, Mayo 6.

"Si Dom talaga… Ever since mas vocal support sa friends kesa kay Bea… Nakakatampo! Eme," sey ng netizen na mukhang tagahanga ni Bea Alonzo.

"Pahingi naman kahit isang story nung theater play ni Bea. Post ka naman minsan ng di throwback huhu," dagdag na request pa nito.

Tugon naman ni Dominic, "Wala kang alam. God bless you."

Screengrab mula sa IG ni Dominic Roque

Rumesbak naman ang mga netizen at fans ng BeaDom.

"Naman ano ba 'yan 😔 Ang walang sasabihing maganda tahimik na sana. Ito mga nagiging rason na di nag po- post mga artista eh. Ang ayaw sa BeaDom mag-unfollow kasi kami masaya kami kung ano man nangyayari sa dalawa. Kung may post salamat kung wala may rason sila karapatan nila 'yan. Wala tayong alam sa personal na buhay nila. Hindi kung ano-ano iniisip. TB man o bago nag-like man o hindi. Masaya kami sa BeaDom. Huwag kasi nega ang isipin, huwag judgemental. Don't forget Life is BEAutiful. God bless everyone."

"Agree! karapatan ng bawat isa ang word na 'privacy' kung di nila naiintindihan 'yon eh wala na tayong magagawa. Bashers and haters are always there trabaho na nila 'yan basta kami BeaDom happy kami, kung walang sasabihin maganda nga naman 'better shut your mouth', life is short para sa nega vibes, spread love and positivity just saying. God bless."

"Spread love tayo dito at bawal ang negative vibes, positive lang po tayo dapat , pare- pareho lang gusto natin dito iparamdam sa mga idol natin ang pagmamahal natin sa kanila… love you BeaDom."