Masayang-masaya ang Kapuso star na si Bea Alonzo matapos niyang maging bahagi ng teatro sa kauna-unahang pagkakataon---sa pagganap bilang "Elsa Montes" sa "Ang Larawan: Concert" na ginanap noong Mayo 6 ng gabi sa Manila Metropolitan Theater.

Achievement unlocked na maituturing ito para kay Bea na mas nakilala at yumabong ang karera sa paggawa ng mga serye sa telebisyon at pinilakang-tabing.

"In my theater era. 🙈🤣," ani Bea.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Aniya, mas lalong tumaas ang paggalang niya sa pagpapahalaga sa kultura at sining ng Pilipinas na hatid ng mga pagtatanghal sa teatro.

"I truly enjoyed performing on stage last night for the first time with the best people in the industry. I greatly respect everything they do to preserve the Philippines’ culture and arts," aniya.

Hangad ng mga netizen at tagahanga ni Bea na mapanood pa nila sa mas maraming theater acts ang award-winning at box-office actress.