Kinaaliwan ng mga netizen ang paandar ng isang estudyante matapos gayahin si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa kanilang gawain na "character impersonation" sa kanilang asignaturang Araling Panlipunan, sa Balcon Melliza Elementary School.

Ang tema ng culminating activity para sa asignatura ni Ma'am Shara Galfo ay huwag kalimutan ang mga personalidad na bahagi ng nakaraan o kasaysayan. Pinabunot niya ang mga gurong tagapayo kung sinong personalidad ang gagayahin ng kanilang kinatawan. Ang nabunot nga ng Grade 4 adviser ng kaniyang estudyante ay si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kitang-kitang may nunal din ang estudyante sa kaniyang mukha, at ang mas kaaliw-aliw dito, naka-neck brace din siya at naka-wheelchair.

Ang character impersonation o pagsasatao ay isa sa mga estratehiya ng pagtuturo na ginagamit sa mga paaralan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Grabe ang galing hahaha…"

"Sana walang mapikon hahaha."

"Gayang-gaya ah…"

"Gloriang-Gloria si bagets especially the neck brace haha."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!