Isiniwalat ng Social Weather Stations Report (SWS) nitong Huwebes, Mayo 11, na tinatayang 2.7 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom dahil sa kawalan ng access sa pagkain.

Sa ulat ng SWS, ang naitalang 2.7 milyong pamilya o 9.8% ng mga pamilyang Pinoy ay bumabas kumpara sa 11.8% o 3 milyong pamilyang nagugutom sa huling quarter ng taon.

BASAHIN: 3M pamilya sa bansa, nakaranas ng gutom noong huling 3 buwan ng 2022

“However, it was still higher than the 8.8% (estimated 2.1 million families) in December 2019, before the COVID-19 pandemic,” saad ng SWS.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mula nitong Marso, ang karanasan ng mga pamilyang gutom ay pinakamataas sa Mindanao (11.7%), sinundan ng Metro Manila (10.7%), Visayas (9.7%), at Balance Luzon o Luzon sa labas ng Metro Manila (8.7%). Ito naman umano ang pinakamataas sa Mindanao sa 39 sa 101 survey mula noong Hulyo 1998.

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 26 hanggang 29, 2023, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.

Kamakailan lamang ay inilabas din ng SWS na 39% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay ‘food-poor’ o mahirap batay sa kanilang kinakain.

BASAHIN: 39% ng mga pamilyang Pinoy, itinuturing mga sarili bilang ‘food-poor’ – SWS