PHNOM PENH, Cambodia - Isusubasta ni pole vaulter star Ernest John Obiena ang kanyang sapatos na humakot na ng gintong medalya sa mga sinalihang kompetisyon upang matulungan ang mga batang pole vaulter sa Pilipinas na walang maayos na pinag-eensayuhan.

Nakuha ni Obiena ang ikatlong magkakasunod na gold medal sa Southeast Asian (SEA) Games sa Cambodia nitong Lunes.

Nalagpasan ni Obiena ang kanyang rekord matapos lundagin ang 5.65 metro.

Pagkatapos nito, sinabi nito sa mga mamamahayag na napanood niya ang video ng isang batang pole vaulter na gumagamit lamang ng kusot sa pag-eensayo. 

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

"Anyone who's listening: it's up for grabs," sabi ni Obiena sabay ipinakita ang pink at orange na sports shoes.

"All money, all proceeds, will go to buying a new pole vault pit or a second-hand pole vault pit.If we can't get actual size then we'll get something -- just not sawdust," sabi pa ni Obiena.

Agence France-Presse