Usap-usapan ngayon ang makahulugang tweet ng aktor at nagwaging "Best Actor" sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na si Romnick Sarmenta tungkol sa "confidential funds."

Matapang na tweet ni Romnick noong Lunes, Mayo 8, "Bakit nakakairita ang mga confidential funds? Dahil may mga kalyeng binabaha. Sa halip na iukol sa sewage and canals, better waste management, at subsidies para sa mga public services, nauuwi sa patagong paggastos ng ambag ng mamamayan. At hindi kayo inuuna."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/Relampago1972/status/1655550036435152896

Ang confidential funds o kaya naman ay intelligence funds, ay tumutukoy sa "lump sum allocations set aside in the national budget for expenses that involve surveillance and intelligence information gathering activities."

Nagkaroon ng guidelines sa pagkakaroon ng confidential at intelligence funds sa pamamagitan ng 2015 joint circular ang Commission on Audit (COA), Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government, Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) at Department of National Defense.

Matatandaang tinaasan ng kilay ng mga netizen ang naging request nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte na magkaroon ng confidential funds sa kani-kanilang mga opisina.

Bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), pinapayagan ang confidential expenses sa civilian offices, kabilang ang DepEd batay sa DBM Joint Circular 2015-01.