Tila kinilig naman ang mga netizen kay hunk Kapuso actor Ben Alves matapos niyang ibahagi ang litrato ng kaniyang mukhang may tusok ng mga karayom o tinatawag na "acupuncture."
Makikitang nakatusok sa kaniyang guwapong mukha ang limang karayon at nilagyan niya ng caption na "Natusok ng Lancelot."
Naging pilya naman ang mga netizen maging ang komedyanteng si "Beki Mon" na nagkomentong "Magpapatusok."
Narito ang ilan pa sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Patusok din Papa Benj."
"The design is very titikman!"
"Patusok din po pero ibang lancelot sana."
"Tusok-tusukin mo din po ako dzaddy."
"Daming nakapila para magpatusok hahahaha."
Matatandaang naging viral ang video ng dalawang bagets kung saan sinabi ng isa na "Titikman" niya ang hunk Kapuso actor.