Umabot na sa 10,214 loose firearms ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) mula Enero 1 hanggang Mayo 7 ngayong taon sa gitna ng panibagong drive para habulin ang mga hindi rehistradong baril sa bansa.

Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na nagresulta din ang mga operasyon sa pagkakaaresto sa kabuuang 3,208 indibidwal na kasama na ngayon sa charge sheet para sa kabuuang 1,582 kaso ng illegal possession of firearms.

“Accounting of loose firearms and arrest of wanted persons are the centerpiece actions of the anti-criminality campaign that the PNP is waging.  Firearms as instruments of crime and the players that put into action the criminal motive are the factors that largely contribute to the commission of a crime.  If we can take away these instruments of crime and the persons behind it, then we have effectively prevented crime,” ani Acorda.

Upang maiwasang maaresto at makasuhan, pinayuhan ni Acorda ang publiko, partikular ang mga indibidwal na may expired na baril na i-turn over ang kanilang mga baril para sa pag-iingat hanggang sa oras na matugunan ang mga kinakailangan para sa rehistradong armas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binanggit niya ang pagsisikap ng ilang may-ari ng baril na nagbigay ng 5,608 na baril para sa pag-iingat.

"Our campaign against loose firearms is a continuous effort to ensure the safety and security of our people. These accomplishments are the result of the hard work and dedication of our police officers and the cooperation of the public,”  ani Acorda.

“We will continue to intensify our efforts to eradicate the proliferation of loose firearms in our communities. I urge everyone to support our campaign and report any illegal firearms to the authorities,"  dagdag niya.

Aaron Recuenco