Naabot na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang puntiryang koleksyon sa buwis para sa unang apat na buwan ng 2023.

Gayuman, hindi na isinapubliko ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr., eksaktong koleksyon ng ahensya.

Matatandaang itinakda ng BIR ang P826.8 bilyong collection goal para sa Enero hanggang Abril ngayong taon.

“We reached our goal for January to April of 2023. In the last 30 years, this feat was only done a handful of times. This is a strong and historic start for the Bureau of Internal Revenue, taking into account that we are recovering from the economic repercussion caused by the pandemic,” aniya.

Idinagdag pa ng opisyal, resulta lamang umano ito ng ipinatutupad na apat na programa ng BIR.

Philippine News Agency