LUCENA CITY, Quezon -- Isang 43-anyos na tricycle driver at ang kanyang 12-anyos na anak na babae ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem assailants nitong Martes ng umaga, Mayo 9, sa Purok Central, Barangay Mayao Castillo, sa lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Michael Garcia, at ang kanyang 12-anyos na anak na babae ng Purok Dama de Noche ng Barangay Mayao Castillo.

Lumalabas sa imbestigasyon na minamaneho ni Garcia ang kanyang tricycle mula sa kanilang tahanan upang ihatid ang kanyang dalawang anak na babae sa paaralan sa kanilang barangay nang mangyari ang pag-atake dakong alas-5 ng umaga.

Nagtamo si Michael ng mga tama ng bala sa dibdib, tiyan at binti at namatay on the spot, habang ang kanyang anak na elementarya ay tinamaan ng ligaw na bala sa katawan at dinala ng City Disaster Risk Reduction Management Office sa MMG Hospital ngunit dineklara ring patay na.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Nakaligtas sa pag-atake ang 14-anyos.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at sumakay sa isang itim na motorsiklo patungong Talipan, bayan ng Pagbilao.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Danny Estacio