₱227,602.59 secured???

Laking pasasalamat ng vlogger-actress na si Toni Fowler sa isang digital wallet platform dahil safe ang pera niya sa kabila ng mga naiulat na insidenteng nawalan umano ng pera ang ilang mga customers nito.

Sey ni Toni, sa tinagal-tagal na niyang vlogger ay naging parte na ng buhay niya ang digital wallet platform na GCash.

"Hi mga bessy ko, sa tagal ko na as a vlogger, halos nakasabay ko yung paglaki ng GCash. Ang dami ko ng Gcash transactions. Hindi naman ako nagkaproblema, naging part pa siya ng pag-unlad ng buhay ko," saad ni Toni sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Mayo 9.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Inamin naman niyang kinabahan din siya dahil sa mga ulat na nawalan ng pera umano ang ilang customers ng GCash. Pero nang i-check niya raw ang app, safe naman daw ang pera niya.

"Yung nangyari ngayong araw, kinabahan din ako. Pero sabi nga ng GCash, mpin naman yung issue at hindi hacking. Tsaka pag bukas ko ng GCash, safe naman funds ko. Salamat na rin sa Gcash at na-secure agad yung arep. Pag sa banko kasi yun, sobrang tagal nyan o wala na nangyari dyan. Kaya kalma na tayo dont panik di ka paniki," dagdag pa niya.

Sa naturang post, flinex ni Toni ang laman ng GCash niya na may halagang ₱227,602.59.

Samantala, humingi naman ng pasensya ang GCash sa mga customer nito. Binanggit din na walang naganap na hacking.

“We apologize for the inconvenience. Yesterday,some customers may have noticed a deduction in their GCash accounts. We assureyou that an adjustment in their balance will be made within the day, and thatfunds will remain safe and secure with GCash. Thank you for your understanding!”

Sa huling update ng GCash bandang 4:29 ng hapon, sinabi nito na na-adjust na nila ang e-wallets ng mga naapektuhang users.

"We have already adjusted the e-wallets of the affected GCash users and the app is back up so you may now safely proceed with your regular transactions. We apologize for the temporary downtime. Thank you for your patience and understanding."