Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa lungsod ng Dili sa Timor Leste si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para humiling umano ng protection visa at special asylum status doon.

Natanggao umano ni Remulla ang nasabing balita mula sa Philippine Ambassador to Timor Leste noong Abril 29.

Nagpadala naman ng liham si Remulla kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo upang ipabatid sa ambassador na nagsasagawa na ang DOJ ng mga hakbang upang matukoy si Teves bilang “terorista” sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020.

BASAHIN: Teves, posibleng tukuyin bilang terorista — DOJ chief

“It is respectfully requested that these latest updates be related to our good Ambassador to Timor Leste,” saad ni Remulla sa sulat.

Matatandaang si Teves sa mga tinitingnan ng DOJ na mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4. Tinanggi naman ito ni Teves.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla