Hinimok ni Senador Mark Villar ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bumuo ng mas mahusay at mas pinalakas na heat index monitoring system sa Pilipinas upang maagang mabigyan ng babala ang mga Pilipino laban sa mataas na temperatura.

"Ako po ay naghain ng resolution dahil sa mga ulat na nakarating sa atin na mayroong insidente kung saan 120 na mag-aaral ang dinala sa mga ospital sa Laguna matapos silang mahilo habang isinasagawa ang fire drill sa kanilang paaralan sa Cabuyao City. Isa pa dito ang isang insidente na nangyari kamakailan lamang sa isang pagdiriwang sa Taytay, Palawan na siyamnapu ang nahilo't hinimatay dahil sa sobrang init," saad ni Villar nitong Lunes, Mayo 8.

Inihain ni Villar ang Resolution No. 590 na humihimok sa Senate Committee na magkaroon ng "inquiry" upang makabuo ang PAGASA ng mas mahusay at mas pinalakas na heat index monitoring system na kahalintulad sa mga alert system na ginagamit sa panahon ng iba pang kalamidad. 

Nilalayon ng nasabing inquiry ay para tukuyin ang mga potensyal na epekto ng matinding init sa kalusugan at ekonomiya.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

"Dapat magbigay din ng warning ang PAGASA for instances na sobrang init na sa mga lugar dito sa Pilipinas. By providing our countrymen with sufficient and early information through text messages and other technologies we can save lives and prevent any other heat-related incidents to occur. Kung meron tayo sa bagyo, mas dapat meron for heat index," paliwanag ng senador.

"I am committed to ensuring the safety and well-being of all Filipinos. This inquiry is necessary to ensure that appropriate preventive measures will be taken when the heat index reached dangerous levels," dagdag pa niya.

Binanggit din ni Villar na hindi lang makakaapekto ang matinding init sa kalusugan kundi maging sa agricultural at industrial sectors sa bansa.

"Sa pagkakaroon ng mas malawak at epektibong sistema sa pagbabantay at pag bibigay kaalaman ng antas ng init sa Pilipinas, inaasahang mapapangalagaan ng mas maayos ang kalusugan ng publiko. Bukod dito, maaaring maiwasan ang maaaring negatibong epekto nito sa ekonomiya at sa social welfare ng bansa," pagtatapos ng senador.