Binabantayan pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagatang sakop ng Mariveles, Bataan dahil sa oil spill mula sa lumubog na MV Hong Hai 189 kamakailan.

Naglatag na ng oil spill boom ang PCG sa nasabing lugar upang hindi na kumalat nang gusto ang tumagas na langis mula sa pinaglubugan ng barko sa Barangay Sisiman, Mariveles, nitong Mayo 6.

Matatandaang aksidenteng nabangga ng MT Petite Soeur ang nasabing barko sa bisinidad ng Corregidor Island nitong Abril 28 na naging sanhi ng pagtaob nito.

Nauna nang sinabi ng PCG at Marine Environmental Protection Unit (MEPU) na binabantayan pa rin nila ang lugar sa posibleng paglala ng sitwasyon.

Probinsya

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!