Kinumpirma ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Martes na tumaas pa ang Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 22.9% noong Mayo 7, ngunit unti-unti na umanong bumabagal ang increasing trend nito.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nabatid na ang 7-day positivity rate sa rehiyon ay tumaas pa sa 5.1%, mula sa 17.8% lamang noong Abril 30.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, nakitaan na aniya nang pagbagal ang pagtaas nito at maaaring maabot na ang peak sa susunod na linggo.

Maaari rin aniyang hindi na nito maabot ang positivity rate na 25% sa rehiyon.

"NCR 7-day positivity rate increased slightly to 22.9% as of May 7 2023. It was at 17.8% on Apr 30. The increasing trend is slowing down, and the peak could happen within the next week or so. The positivity rate could also miss the 25% mark," tweet pa ni David.

Samantala, ang nationwide positivity rate ng bansa ay umabot naman sa 18.8% nitong Mayo 8.

Ayon kay David, nakapagtala rin ang bansa ng panibagong 1,545 Covid-19 cases, sanhi upang umabot na sa 4,104,333 ang total Covid-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 12,161 ang nananatiling active cases o maaari pang makahawa.

Wala namang naitalang namatay sa sakit sa nasabing petsa kaya't ang total Covid-19 deaths ay nananatili pa rin sa 66,453.

Nakapagtala rin naman ang bansa ng 792 bagong recoveries kaya't ang Covid-19 total recoveries sa bansa ay pumalo na sa 4,025,719.

"May 8 2023 DOH reported 1545 new cases, 0 deaths (0 in NCR) 792 recoveries 12161 active cases. 18.8% nationwide positivity rate. 677 cases in NCR. Projecting 600-700 new cases on 5.9.23," tweet pa ni David.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga indibidwal na nagpositibo sa Covid-19, mula sa kabuuang bilang ng mga pasyenteng isinailalim sa RT-PCR test.

Nasa 5% lamang ang threshold na itinatakda ng World Health Organization (WHO) para sa positivity rate