Tila sinamantala ng isang babae ang pagkakaroon ng aberya ng isang e-wallet matapos sabihan ang kaibigang pinagkakautangan na hindi muna siya makakapagbayad dahil hindi raw niya mabuksan ang app, na gagamitin niya sana upang mabayaran ang utang na hindi pa nababayaran sa loob ng isang taon.

Ayon sa Facebook post ni "Chung Dela Cruz Ubas," pinadala raw sa kaniya ng kumare ang screengrab ng anunsyo ng e-wallet tungkol sa naganap na aberya.

Mababasa rito ang mensahe ni kumare, "Be di maopen GCash. Andun sana pambabayad ko sayo. Kinakabahan ako."

Sey naman ng inutangan, mukhang nakahanap ng palusot ang kaniyang kumare.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Last year pa Yung utang mo mare . 🤣 Nakahanap pa ng palusot 🤣."

Kaya ispluk ng mga netizen, sana raw sa pagbabayad ng utang ay "cash payment" only.

Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang GCash hinggil sa aberyang nangyari.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!