Nagpataw ng ₱30,000 pabuya ang mayor ng Lapu-Lapu City para sa sinumang makapagtuturo kung sino ang naglagay ng vandalism sa kanilang bagong pinturang dingding, na bahagi ng kanilang pagpapaganda sa naturang lungsod.

"Bukas ang aming linya para sa makakapagturo sa nag-vandal sa mga bagong pinturang pader. Kung sino man ang makakapag-bigay ng impormasyon ay makakatanggap ng P30,000."

“Itong pader na ito ay bagong pintura lang pero ngayon ay madumi na ulit. Hindi ko maintindihan kung ano ang punto ng mga vandalist na ito at kung ano ang makukuha nila sa ginagawa nila,” ayon sa FB post ng alkalde na nasa wikang Bisaya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa panibagong update ng alkalde ay mukhang may nakapagturo na sa mga salarin ng vandalism.

"EZ MONEY, EZ 30K"

"Nadawat na sa informant ang iyang ganti nga 30k tungod sa pagkasikop sa nagbandal sa Brgy Ibo nga mao kunoy tag-iya sa dalan. Aduna untay daghang nireport pero kuwang ang ilang mga detalye. Dapat kompleto gyud (Natanggap na ng impormante ang kaniyang reward na 30k para sa pagkakaaresto sa vandal sa Brgy. Ibo na sinasabing may-ari ng kalsada. Dapat maraming report pero kulang ang mga detalye. Dapat kumpleto ito).