Matapos ang hindi inaasahang aberya sa flight ng ilang miyembro ng global pop group na HORI7ON, sa wakas ay kumpleto at magkakasama na sa South Korea ang grupo upang simulan ang kanilang trainings para sa kanilang napipintong debut.

Matatandaang naiwan at hindi nakalipad sa nakatakdang araw sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, at Reyster Yton dahil may mga kinailangan pang ayusin sa kani-kanilang travel documents. Ligtas namang nakalapag at sinalubong ng kanilang Korean management sa pangunguna ng CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin ang mga miyembrong sina Kyler Chua, Vinci Malizon, Kim Ng, at Winston Pineda na agad namang itinampok sa Korean media na Dispatch.

View this post on Instagram

A post shared by @koreadispatch

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pagkakawalay ng HORI7ON sa kani-kanilang pamilya, paniguradong miss na miss na nila ang isa’t-isa. Patunay diyan ang serye ng mga tweets ng kapatid ng miyembrong si Jeromy na si Edmar Batac, na simula’t sapul ay vocal sa pagsuporta niya rito. Sa isang tweet ay tila naging emosyonal ang kuya ni Jeromy. “Hanggang pabango mo na lang simula ngayon,” aniya.

https://twitter.com/_ipdmr/status/1653991787365818368?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Sa eklusibong panayam naman ng Balita sa pamilya at mahal sa buhay ng ibang miyembro ng HORI7ON, kaniya-kaniyang kuwento ang mga ito kasabay ng pagbabahagi nila ng mensahe para sa mga kaanak.

Ang nanay ni Marcus na si Jensen Cabais ay bagama’t may halong lungkot, ay masaya at proud sa tagumpay ng kaniyang anak, na sa murang edad na trese ay malayo na umano ang narating. Nagpasalamat din ito sa mga sumuporta sa kaniyang anak.

“We're so thankful and happy for this opportunity that opened up for Marcus. Sa ‘Dream Maker’ nakita namin na mas nag-grow pa siyaprofessionally and personally. Sobrang natutuwa kami sa kaniya kasi kahit siya ang pinaka-bata sa competition, na-handle niya ng tama ang lahat ng pressure and challenges doon. Sobrang nagpapasalamat din kami sa lahat ng sumuporta, tumulong, nakasama, at makakasama pa ni Marcus sa journey niya. Maraming salamat po sa inyo,” lahad ng nanay ni Marcus.

Tila hindi pa rin makapaniwala ang manager at nanay-nanayan ni Kyler na si Glendil Elizalde na nasa Korea na ang kaniyang alaga. Aniya, hindi naging madali ang journey ni Kyler sa “Dream Maker” pero nagbunga na umano ang kanilang pinaghirapan.

“Malaki ang pasasalamat niya sa fans niya na ‘Orions’ and siyempre kasama sila sa tagumpay ni Kyler. Excited ako sa debut nila at claiming na maging successful ang HORI7ON. Sana ‘wag siyang magbago at ‘wag kalimutan ang mga taong nandiyan at naka-suporta sa kaniya mula umpisa hanggang dulo,” lahad ni Glendil.

Binalikan naman ni Gian Viatka Malizon na ate ng leader ng HORI7ON na si Vinci ang naging journey ng kaniyang kapatid mula sa kompetisyon hanggang sa pagiging parte nang nasabing global pop group.

“I’m super happy and proud sa mga na-achieve ni Vinci since his “Dream Maker” journey began up until today now that HORI7ON is in Korea. It was such a big surprise to our whole family na napili siya na center sa signal song and I still can remember that day when the show premiered. Now that they’re on their way to debuting soon, can’t help but feel excited for him and the rest of the group,” aniya.

Ang tiyahin naman ni Reyster na si Mary Ann Madarieta, ay nami-miss na umano ang pagpunta nito sa mga mall shows ng pamangkin at ang ibinahagi ang mensahe para sa HORI7ON.

“Nami-miss ko yung pagpunta ko ng mga mall show niya at pagsasayaw niya at siyempre mami-miss ko din siya kasi malayo na siya sa amin. Proud kaming mga family ninyo na naabot mo na ‘yung dream ninyo. Andito lang kami para sa inyo at handang sumuporta sa inyo. Ingat and God bless you guys,” lahad niya.

May bilin naman ang ate ni Kim na si Sha Ng para sa kaniyang nakababatang kapatid.

“First of all, alagaan niya health niya, and okay lang ‘yan if minsan stressed ka. Huwag kang sumuko sa laban kasi madami humahanga sa’yo. Nandito lang kami lagi sumusuporta sa’yo and lalo na ako, sobrang bilib na bilib ako sa’yo dahilnaipakita mo yung talent mo sa karamihan at sobrang galing mo na, and ‘wag mo kami kalimutan. Thank you dahil sa lahat ng naranasan ko din di mo ako pinabayaan, nandiyan ka lang din lagi sa’kin. Thanks dude! Inumin mo lagi yung vitamins mo tugon ni mommy and son, and ingatan mo lagi sarili mo dahil mahal na mahal ka namin ng mga fans mo,” aniya.

Ang ate naman ni Winston na si Josette Pineda ay ipinagdarasal ang tagumpay hindi lamang ng kaniyang kapatid, kung hindi ang buong HORI7ON. Dagdag pa niya na natupad na ang pangarap nilang magkakapatid at nawa’y magtuloy-tuloy ang pasok ng biyaya sa kanilang pamilya.

“Sana talaga mag-boom sila sa Korea kasi talent ng Pinoy ‘yung dala-dala nila. Proud na proud ako kay Winston kasi talagang gusto niya makatulong sa’min kaya kahit matatagalan bago namin siya makasama, fighting lang,” sey ni Ate Josette.

Bagama’t nangungulila dahil wala pang opisyal na retrato mula sa South Korea ang grupo, todo pa rin ang suporta hindi lamang ng pamilya nila, maging ang “Anchors,” na siyang fandom ng HORI7ON, kasabay ng kaniya-kaniyang hula kung ano nga ba magiging debut song ng grupo.

Kasama ng ABS-CBN, nasa ilalim ng Korean agency na MLD Entertainment ang HORI7ON, na siyang nagpasikat sa dating K-Pop girl group na Momoland.