NUEVA ECIJA -- Nasamsam ng awtoridad ang halos ₱1 milyong halaga ng umano'y shabu sa isang drug suspect at kasamahan nito sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Purok 7, Brgy. Valle Cruz, Cabanatuan City noong Lunes, Mayo 8.

Ayon sa ulat mula sa tanggapan ng Nueva Ecija PNP, ang isinagawang buy-bust operation ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kabilang sa drug watchlistna si Dionisio Gonzales III at kasamahannito na si Elena Valdez.

Nasamsam sa kanila ang ₱1,000 buy bust money, 6 na ₱1,000 boodle money, black na lalagyan ng sunglasses, pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng umano'y shabu, at knot-tied transparent plastic bag na naglalaman din ng umano'y shabu na may timbang na hindi bababa sa 140 gramo at may tinatayang nasa ₱952,000.

Ayon sa awtoridad, isang linggo nilang binabantayan ang iligal na aktibidad ng mga suspek bago isagawa ng operasyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito