Kabilang sa nagpapatuloy na project ngayon ng komedyante at vlogger na si Brenda Mage ang pagsasaayos ng kanilang kapilya sa Brgy. Kiongab, Solana sa kaniyang hometown sa Jasaan, Misamis Oriental.

Maliban sa ilang pinagkakaabalahang renobasyon ng kaniyang tahanan, isang farm at tahanan din ng mga kapatid, kamag-anak at mga kaibigan, isang panibagong project ngayon ang tinututukan ni Brenda.

Bilang paraan ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga natatanggap na mga blessing, inako ng vlogger ang pagsasagawa ng kanilang “Our Lady of Fatima” chapel kamakailan.

Basahin: Brenda Mage, pina-tattoo ang Kapamilya logo: ‘Kung ano meron ako sa buhay ay dahil sa ABS-CBN’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa tulong ng ilang nagbayanihang mga kaibigan at ka-barangay sa kanilang lugar, unti-unti na ngang naisasaayos ang kapilya mula sa kisame nito, at mismong pundasyon.

Sa naunang update ni Brenda, plano pa niyang magpagawa ng extension sa gilid ng simbahan para mas marami pang mananampalataya ang makadalo sa tuwing may misa.

Bahagi rin ng renobasyon ang pagpapapintura sa simbahan, pagbili ng mga upuan at pagpapalagay ng tiles sa sahig nito.

Matapos ang update nitong Martes, Mayo 9, inulan naman ng pasasalamat si Brenda ng netizens sa kawang-gawa anila ng komedyante.

Hiling pa ng marami ang doble at triple pang mga blessing para sa vlogger para lalo pa anilang makatulong sa iba.

Umabot agad sa mahigit 20,000 reaction at 206,000 views ang halos pitong minutong update sa Facebook sa pag-uulat.

Sa huli, nagpasalamat naman si Brenda sa ilang online followers na nagpaabot ng donasyon para sa nagpapatuloy na project.