Tinatayang 47% ang naniniwalang "mapanganib" mag-print o mag-broadcast ng kahit anong kritikal sa administrasyon, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Martes, Mayo 9.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, lumabas na sa 47% ng mga Pinoy na naniniwala sa katagang "It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth," 19% umano rito ang lubos na sumasang-ayon habang 28% ang medyo sumasang-ayon.

Samantala, 26% ng mga Pinoy naman umano ang hindi naniniwalang mapanganib ang pagbabalita ng kahit anong kritikal sa administrasyon. Ayon sa survey, 14% naman dito ang medyo hindi sumasang-ayon, habang 12% ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Nasa 27% naman ang undecided sa nasabing usapin.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"The resulting net agreement score of +20 (% agree minus % disagree, correctly rounded), classified by SWS as moderate, is 4 points below the moderate +24 (46% agree, 22% disagree) in December 2021," anang SWS.

Ang nasabing survey ay isinagawa umano upang masiyasat ang opinyon ng mga respondente sa estado ng malayang pamamahayag o press freedom sa bansa.

"This past week was celebrated World Press Freedom Day. This year's Special 30th-anniversary celebration of World Press Freedom Day calls to recenter press freedom, as well as independent, pluralistic, and diverse media, as key to the enjoyment of all other human rights," saad ng SWS.