Mahigit dalawang milyong bata ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella, habang 800,000 bata ang nakatanggap ng oral polio vaccine sa gitna ng patuloy na supplemental immunization campaign ng gobyerno, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Mayo 9.

Nitong Mayo 7, mayroong 2.3 milyong bata sa buong bansa ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella, ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

“Ito po ay katumbas ng 24.2 percent ng ating total eligible population for measles and rubella vaccines,” ani Vergeire.

Noong nakaraan, sinabi ng DOH na mahigit siyam na milyong bata na may edad siyam na buwan hanggang 59 buwan ang target para sa bakuna laban sa tigdas-rubella.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa kabilang banda, sinabi ni Vergeire na 829,165 na bata ang nakatanggap na ng kanilang oral polio vaccine.

Basahin: H2H na pagbabakuna para sa mga chikiting sa Navotas City, umarangkada – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna rito, sinabi ng DOH na mahigit 11,000,000 bata na may edad zero hanggang 59 na buwan ang binabantayan para sa oral polio vaccination.

Nagpahayag ng pag-asa si Vergeire na makakamit nila ang kanilang mga target upang maiwasan ang posibleng paglaganap ng mga sakit na ito na maiiwasan sa bakuna.

“Sana. Ito po yung ating pinapakiusap sa ating mga kababayan…dahil alam natin pag hindi natin narating ang ganitong coverage or target, maaring magpatuloy pa rin ang mga threats ng outbreaks ng tigdas, rubella, at polio sa ating bansa,” aniya.

“Humihingi tayo ng tulong sa mga lokal na pamahalaan, pagtulungan natin ang pagbabakuna sa ating mga kabataan dahil ito ang tanging paraan upang maiwasan natin ang karagdagang impeksyon at paglaganap sa ating mga anak sa buong bansa,” she added.

Matatandaang naglunsad ang gobyerno ng supplemental immunization campaign na tinawag na “Chikiting Ligtas 2023: Join the Big Catch Up, Magpabakuna para sa Healthy Pilipinas!” noong nakaraang Abril 27. Ang aktibidad ng pagbabakuna sa buong bansa ay tatakbo hanggang Mayo 31.

Analou de Vera