Hindi inakala ng CEO-social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin na magogoyo siya ng halagang ₱50k ng isang scammer na nagpanggap na si "Milk/Marie Fowler," kapatid ng social media personality na si Toni Fowler.

Ayon kay Rosmar, inakala niyang si Milk ang katext niya na humihiram ng ₱100k sa kaniya. Parehong-pareho daw kasi ang paraan ng pakikipag-usap nito sa tunay na Milk kaya naging kampante siyang magpahiram.

Dahil may limit lamang ang bank transfer, ₱50k lamang ang naipadala niya. Nang ipapadala na niya ang susunod na kalahati, tatlong beses daw itong naka-cancel at tila may "pumipigil" sa kaniyang gawin ito. Dito na tila nahimasmasan at kinutuban si Rosmar.

Agad daw siyang tumawag sa isang sikat na money transfer upang maipa-close ang account.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"And if ever meron din nagPAPANGGAP NA AKO? na nanghihingi ng peraaa? Wag kayo maniwala kasi never ako humingi kahit kanino ng kahit magkano! Ako pa nga namimigay di ba? So ayun, BLINOCK NA AKO NG NUMBER NA YAN. HAHAHAHA! Bahala ka dyan. Pangbiliiii mo nalang yan ng IPHONE 😆", kuwento pa ni Rosmar.

Screengrab mula sa FB ni Rosmar Tan Pamulaklakin

Screengrab mula sa FB ni Rosmar Tan Pamulaklakin

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Milk o maging si Toni tungkol dito.