'Pumuntos ng 3 points?' Basketbolista, 'tinatrabaho' si Zeinab

Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang namamagitan kina Filipino-American professional basketball player Bobby Ray Park, Jr. at social media personality Zeinab Harake matapos silang maispatang magkasama.

Tanong ng mga netizen, si Bobby Ray na nga ba ang bagong pag-ibig sa buhay ni Zeinab matapos ang pakikipagrelasyon kay Daryl Ruiz a.k.a. "Skusta Clee?"

Ipinagtanggol din si Zeinab ng kaniyang kaibigan ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza laban sa mga nagsasabing "kabit" umano ang kaniyang kaibigan.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Nilinaw ni Xian na kasalukuyan pa lamang nanliligaw si Bobby Ray kay Zeinab, at single naman daw ang basketball player at walang pananagutan sa ibang babae.

"Gusto ko lang po linawin sa buong sambayanang marites na ang bestfriend ko na si Zeinab Harake ay hindi isang kabit," aniya.

"Nanliligaw po sa kaniya ang professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. na single at walang asawa," dagdag pa ni Xian.

"Nawa'y respetuhin po natin ang kanilang private life, kahit huwag na si Zeinab, kahit si Ginoong Parks na lang na walang alam sa maingay na mundo ng social media. Maraming salamat po."

Sa Instagram post ni Booby Park ay makikita ang bonding moment nila ni Zeinab, habang inaayos nito ang buhok ng huli.

"New line of work," caption ni Bobby.

Nagkomento naman dito ng apat na black heart si Zeinab bagay na kinakiligan naman ng mga netizen.

Kaya lang, kung ligawan pa lang ang estado nila, bakit kaya sa bandang dulo ng video ay parang "magtutukaan" na sila?