Sa kabila ng matinding pag-ulan, napitas pa rin ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang gintong medalya sa pagpapatuloy ng 32nd Southeast Asian (SEA) Games saMorodok Techo National Stadium saPhnom Penh,Cambodia nitong Lunes.

Nilundag ni Obiena 5.65 meters upang makubra ang gold medal.

Binura ni Obiena ang dati niyang 5.46 meters record sa Hanoi, Vietnam noong 2022.

Dahil dito, nagtala muli ng bagong record sa SEA Games si Obiena. 

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ito na ang ikatlong gold medal ni Obiena sa SEA Games--ang una ay nahablot niya noong 2019 at ang ikalawa ay nitong 2021.