Inilunsad na ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan nitong Lunes, Mayo 8, ang "search and retrieval operations" matapos umano ang pitong araw nilang paghahanap sa hanggang ngayo’y nawawalang apat na sakay ng lumubog na Dive Yacht M/Y Dream Keeper sa Palawan.

Sa isang pahayag, isiniwalat ng PCG na naging epektibo ang nasabing direktiba nitong Linggo, Mayo 7.

“The PCG District Palawan shall assist the contracted salvor in conducting the retrieval operation,” saad ng PCG.

Matatandaang lumubog ang M/Y Dream Keeper, na may sakay na 32 pasahero at crew, noong Abril 30 sa karagatan ng Tubbataha Reef, Cagayancillo, Palawan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Noong araw ding iyon, 28 ang na-rescue, kabilang na ang apat na Chinese, habang apat ang naitalang nawawala, kasama na ang may-ari ng yate, dalawang pasahero, at isang dive master.

BASAHIN: Dive yacht na M/Y ‘Dream Keeper’, lumubog sa Palawan – PCG