“May his Coronation signify the start of a new chapter of peace, progress, and prosperity for the United Kingdom and the Commonwealth.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Mayo 8, sa koronasyon nina King Charles III at Queen Camilla ng United Kingdom (UK).

Sinabi rin ni Marcos na kabilang siya sa komunidad ng mga bansa na bumabati sa hari at reyna sa kanilang masayang koronasyon.

“It was as grand and magnificent a ceremony as could have been, full of symbolism and weighted by history. It was a great honor for me to represent the Philippines on such a historic occasion,” ani Marcos.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Matatandaang isa si Marcos sa mga dumalo sa nasabing koronasyon sa London noong Sabado, Mayo 6.

Isang araw bago ang koronasyon, personal pa umano niyang nakapanayam si King Charles III sa reception kung saan ipinahayag umano niya ang pagbati ng mga Pilipino.

BASAHIN: ‘Bago ang koronasyon ni King Charles III’: PBBM, binanggit ang ‘thriving relationship’ ng PH, UK

“He asked after his friend, my mother, former First Lady Imelda Marcos, and recounted fond memories of the time they shared together,” ani Marcos.

“Filipinos wish His Majesty King Charles III a long and happy reign,” saad pa niya.