Inanunsyp ng Meralco na posibleng magkaroon ng power interruption sa iba't ibang bahagi ng Luzon dahil sa "sudden plant outage" na nararanasan sa isa sa mga planta ng kuryente.

"Your power supply may have been affected by a temporary system imbalance due to a sudden plant outage and may last for 10-15 minutes," saad sa Twitter account ng Meralco ngayong Lunes, Mayo 8.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

https://twitter.com/meralco/status/1655440357965045760

"Identification of affected areas is on-going. Further updates will be posted in our Facebook and Twitter pages for your information."

"If you have suddenly experienced a power interruption, please expect power to return in 10-15 minutes. However, if the interruption exceeds 15 minutes, you may send us a PM or DM in our Facebook or Twitter pages."

https://twitter.com/meralco/status/1655440440236326912

"Our Customer Care Agents are available to assist you with your concern."

Sa kasalukuyan daw ay naka-red alert ang Luzon grid dahil sa mga power interruption na puwedeng maranasan sa iba't ibang lugar, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.

Posible raw na makaranas ng power interruptions mamayang 6:00 hanggang 8:00 ng gabi.

Binaha naman ng hinaing at reklamo ng mga netizen ang social media pages ng Meralco.

Anila, bakit daw nataon pa na labis ang init na nararanasan ngayon.

Kuwestyon pa ng marami, bakit hindi raw ito na-anticipate noon.

"Mainit na nga, ngayon pa talaga nagka-power outage. Meralco, it feels like we're going through hell, would you like us to take you there as well?"

"Telling people electricity will be restored within 10-15 mins is just so wrong if you can't do it. @meralco tas maglalabas kayo ng sms blasts na 4pm restoration. San kami maniniwala?"

"Napakainit na nga ng panahon, mawawalan pa ng kuryente? Tapos ang mahal-mahal ng bayad."

"Hi po.. thanks for the heads up, but can you please specify kung anong lugar po magkaka-brown out??"

"Ayusin n'yo naman serbisyo ninyo, Meralco!"