Preparado na ang Gilas Pilipinas sa nakatakdang laban nito kontra Malaysia sa Morodok Techno National Stadium sa Phnom Penh sa Mayo 9.
Ang nasabing laban ang pagsisimula ng kampanya ng National team sa men's basketball tournament na tatagal hanggang Mayo 16.
Ibabandera ng Gilas si nauralized player Justin Brownlee.
Kasama rin niya sa koponan ang teammate sa Ginebra na si Christian Standhardinger, Calvin Oftana, Marcio Lassiter, CJ Perez, Chris Newsome, Chris Ross, Brandon Ganuelas-Rosser, Arvin Tolentino, Ateneo de Manila University (ADMU) player Jason Amos, point guard Jerom Lastimosa (Adamson University), at De La Salle University (DLSU) 6’8″ player Michael Phillips.
Kasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ang Malaysia, Singapore at Malaysia.
Kabilang naman sa Group B ang defending champion Indonesia, Thailand, Vietnam at Laos.
Sasagupain din ng Gilas ang Cambodia sa Mayo 11 at sa Mayo 13 naman ang Singapore.
Ang mangungunang dalawang koponan sa bawat grupo ay magtutuos sa crossover semis sa Mayo 15.
Ang dalawang team na mananalo sa semis ay maghaharap kinabukasan para sa gold medal.
Nitong nakaraang taon, tinalo ng Indonesia ang Gilas, 85-81, sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam.