Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ngayong 2023, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Lunes, Mayo 8.

Nasa 4.7 porsyento ang unemployment rate nitong Marso 2023, bahagyang bumaba kumpara sa 5.8 porsyento noong Marso 2022.

Gayunman, tumaas sa 95.3 porsyento ang employment rate sa bansa nitong Marso 2023 kumpara sa naitalang 94.2 porsyento nitong Marso 2022.

Sa pagtaya ng PSA, nasa 48.58 milyong Pilipino ang may trabaho nitong Marso 2023.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa sektor ng industriya at serbisyo ang may pinakamataas na oportunidad sa trabaho.