FORT DEL PILAR, Baguio City – Isang Batangueño na anak ng dating sundalo ng Lipa, Batangas angnanguna sa 311 graduating cadet ngPhilippine Military Academy "MADASIGON" (Mandirigmang may Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon) Class of 2023.
Ipinahayag ni PMA Superintendent Lt. Gen. Rowen Tolentino, sa pulong balitaan nitong Lunes, Mayo 8, na ang class valedictorian na si First Class Cadet Warren Leonor, 22, taga-Lipa City, Batangas, ay tatanggap ng Presidential Saber Award,Academic Group Award for being number one in all academic courses, Management plaque at Social Sciences Plaque.
Si Leonor ay nakatakdang magsilbi sa Philippine Air Force (PAF).
Bilang top graduate of the class,tatanggap din siya ng Philippine Airforce Saber; Australian Defense Best Over-all Performance award; Air Force Professional Courses Plaque; Gen.Antonio Luna Award; Spanish Armed Forces award; National Security Studies Plaque; Tactics Group Award; SPDU Plaque at JUSMAG Saber award.
Ayon kay Tolentino, ang salutorian naman na si First Class Cadet Edmundo Logronio, 23, taga-Manito, Albay, atmapapabilangsa Philippine Army ay tatanggap ng Vice-Presidential Saber Award; Australian Defense Best Overall Performance plaque; Aguinaldo Saber; Philippine Army Saber; Department of Tactical Officers Plaque and Army Professional Courses Plaque.
Ang PMA "MADASIGON" Classay kinabibilangan ng 239 na lalaki at 72 na babae.
Nakatakdang isagawa ang graduation ceremony sa Mayo 21 na inaasahang dadaluhan ng commander-in-chief na si PangulongFerdinand Marcos, Jr., na magsisilbingguest of honor at speaker.
ReplyForward