Hinimok ng pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mga residente na magpabakuna at magsuot ng mask dahil tumaas ng 118 porsiyento ang kabuuang aktibong kaso ng Covid-19 sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa datos ng City Health Office (CHO), noong Mayo 8, mayroong 83 na aktibong kaso ng Covid-19 sa Muntinlupa, tumaas ng 45 na kaso mula sa 38 noong Abril 24. Mayroon lamang 11 aktibong kaso sa lungsod noong Abril. 24.

Batay sa datos, tumaas ng dalawa ang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19 hanggang 656 mula sa 654 noong nakaraang linggo.

Sa 83 active Covid-19 cases sa Muntinlupa, 21 ang naitala sa Barangay Putatan, 14 sa Poblacion, 11 sa Bayanan, 10 sa Alabang, tig-siyam sa Tunasan at Ayala Alabang, anim sa Sucat, dalawa sa Cupang at isa sa Buli, ang pinakamaliit na barangay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iniulat ng Department of Health (DOH) na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa buong bansa ay tumaas ng 112 porsiyento sa 9,465 mula Mayo 1 hanggang 7. May karagdagang 50 malubha at kritikal na kaso, at siyam na na-verify na pagkamatay.

Sa flag raising ceremony noong Mayo 8, sinabi ni Mayor Ruffy Biazon sa kabila ng pagdami ng mga kaso, ang Muntinlupa ay nauuri pa rin bilang low risk.

“We highly encourage you that in confined spaces, let us continue to wear masks,” aniya, at idinagdag na dapat nang kumuha ang publiko ng kanilang mga booster shot.

Jonathan Hicap