Hindi bababa sa 22 indibidwal ang nasawi sa bansang India matapos umanong tumaob ang sinasakyan nilang tourist boat nitong Linggo, Mayo 7.

Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng mga opisyal sa India na ang bilang ng sakay ng nasabing double-decker boat na tumaob sa Malappuram district sa Kerala ay hindi bababa sa 30 katao, kung saan karamihan daw dito ay mga batang nag-aaral.

Sinabi naman ng isang police officer sa AFP na sa 22 nasawi, 15 dito ay babae habang pito ang lalaki. Higit pa rito, 11 din umano sa mga biktima ay kabilang sa iisang pamilya, kung saan tatlo rito ay mga bata.

Bukod dito, anim umano ang kasalukuyang nasa ospital, habang patuloy pa rin ang rescue operations para sa iba pang mga nawawala.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ayon sa isang pasaherong nakaligtas, nakita nila ang usok na nagmumula sa bangka habang sila ay naglalakbay.

Iniimbestigahan na rin umano ng mga awtoridad ang pinagmulan ng insidente at ang mag-ari ng nasabing barko.

Samantala, sa isang Twitter post ay nagpahayag naman si Prime Minister Narendra Modi ng pakikiramay sa pamilya o kamag-anak ng mga nasawi, na makatatanggap naman umano ng kompensasyon.

"Pained by the loss of lives due to the boat mishap in Malappuram, Kerala. Condolences to the bereaved families," ani Modi.