Mahigit sa ₱55 milyong jackpot ang napanalunan ng isang mananaya sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Sabado ng gabi.

Binanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nahulaan ng mananaya ang winning combination na 04-16-26-24-14-47 na may premyong ₱55,394,255.40.

Labing-isa ring mananaya ang naka-second prize at nag-uwi sila ng tig-₱100,000.

Binobola ang 6/55 Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinayuhan din ng PCSO ang nanalo ng jackpot na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City, magdala ng dalawang valid identification cards, kasama ang winning ticket upang makubra ang premyo.

Luisa K. Cabato