Sa nalalapit na pagpapatuloy ng mga sesyon sa Kongreso sa Lunes, Mayo 8, ipinahayag ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nakahanda na ang Senado na simulan ang pagdinig sa panukalang batas na naglalayong itaas ng ₱150 ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor ng bansa.

Matatandaang inihain kamakailan ni Zubiri ang Senate Bill No. 2002 o ang Across-the-Board Wage Increase Act of 2023, na naglalayong taasan ng ₱150 ang pang-araw-araw na sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor ng bansa.

BASAHIN: Zubiri, isinulong ang ₱150 taas-sahod para sa private sector workers

Sa panayam ng Radio DZBB nitong Linggo, Mayo 7, sinabi ni Zubiri na kumpiyansiya sa pagpasa ng nasabing panukala lalo na’t suportado umano ito ng mga senador, tulad nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: Senate leaders, suportado ang ₱150 wage hike bill – Zubiri

“We have so many co-authors of the bill now, including Senators Loren Legarda, Nancy Binay and Grace Poe, and other senators,” saad ni Zubiri.

Muli ring iginiit ni Zubiri na masyadong mababa ang kasalukuyang ₱570 arawang sahod sa gitna umano ng mataas na mga bilihin, presyo ng gas, kuryente, at maging transportasyon.

Nakatakda umanong isagawa ang pagdinig sa iba't ibang panukalang naglalayong i-rationalize ang minimum wage rates ng bansa sa Miyerkules, Mayo 10.