Napapatanong ngayon ang mga netizen kung bothered daw ba ang "FPJ's Batang Quiapo" sa pag-ere ng bago nilang makakatapat na "Voltes V: Legacy" bukas ng Lunes, Mayo 8.

Nagtapos na kasi ang "Mga Lihim ni Urduja" na pinagbibidahan nina Sanya Lopez, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia. Bago ang paglapag sa Primetime ay nagkaroon muna ng "cinematic experience" ang mga manonood sa ilang mga piling eksena sa Voltes V, sa ilang piling sinehan sa SM Cinema.

Pabirong tanong ng isang Twitter account na "ALT KAPUSO," hindi raw kaya bothered ang Batang Quiapo sa kanilang makakatapat na show?

Baka mamaya raw, biglang may super powers na rin si Tanggol, ang karakter ng lead star at director nitong si Coco Martin, at nakakalipad na rin buong Quiapo?

National

P50K, pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa agilang si 'Mangayon'

"DI NAMAN CGURO BOTHERED ANG IGNACIA SA PILOT WEEK NO? BAKA BIGLANG MAY POWER NA SI TANGGOL TAPOS MAKAKALIPAD NA SYA AROUND QUIAPO BWHAHAHA," mababasa sa tweet.

https://twitter.com/AltKapuso/status/1654467532059983873

Narito naman ang reaksiyon at pala-palagay ng mga netizen:

"Alam na kasi ang story ng Voltes V, ang titingnan na lang ay yung effects."

"Even nung Enca 2016 di rin nabothered ang Probinsyano."

"For sure 'yan, kailangan nilang makipagsabayan hahaha."

"Tingnan na lang natin hahaha."

Samantala, sinabi mismo ni Coco sa thanksgiving mediacon ng serye noong Mayo 4 na naganap sa Quezon City na abangan ng lahat ang Mayo 8 dahil may magaganap na pagbabago sa buhay ni Tanggol.

Siyempre, kaniya-kaniyang pasabog 'yan! Ang panalo rito, ang viewers dahil lahat naman ay nagsisikap na maghain ng magagandang panoorin at entertainment para sa lahat.