Trending at tinutukan hindi lamang ng mga Briton sa United Kingdom ang koronasyon kina King Charles III at Queen Consort Camilla kahapon ng Sabado, Mayo 6, kundi maging ng mga Pilipino.

Sa pagkakaputong ng korona kay Queen Consort Camilla, muling binalikan ng mga netizen ang yumaong ex-wife ni King Charles III na si Princess Diana of Wales, na nasawi sa isang vehicular accident, na talaga namang sinasaksihan at naging makasaysayan sa buong mundo, lalo na ang kaniyang libing.

https://twitter.com/clairefoymilf/status/1654807814521405441?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1654807814521405441%7Ctwgr%5E5a9d649ca5f17414dfe40cd9bb9b1b667d3646bc%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fminsanokaylangmatraffic.com%2F2023%2F05%2F06%2Fvideo-back-when-princess-diana-said-shell-never-be-a-queen%2F

https://twitter.com/derwhuiza/status/1654766021868134401?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1654766021868134401%7Ctwgr%5E5a9d649ca5f17414dfe40cd9bb9b1b667d3646bc%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fminsanokaylangmatraffic.com%2F2023%2F05%2F06%2Fvideo-back-when-princess-diana-said-shell-never-be-a-queen%2F

https://twitter.com/divinelfy/status/1654791139654791171?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1654791139654791171%7Ctwgr%5E5a9d649ca5f17414dfe40cd9bb9b1b667d3646bc%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fminsanokaylangmatraffic.com%2F2023%2F05%2F06%2Fvideo-back-when-princess-diana-said-shell-never-be-a-queen%2F

Matatandaang muntikan nang maging reyna ng UK si Princess Diana noon, subalit nagdiborsyo sila ng kaniyang asawa noong 1996.

Binalikan pa ng mga netizen ang naging panayam kay Princess Diana noon ng BBC Panorama noong 1995 kung saan natanong siya: “Do you think you will ever be queen?”

“No, I don’t," sagot ni Princess Diana.

Nang muling untagin ng host kung bakit no ang sagot niya, ito naman ang tugon ni Princess Diana, "I’d like to be the queen of people’s hearts, but I don’t see myself being the queen of this country."

"I don’t think many people will want me to be queen, and when I say ‘people’, I mean the establishment I married into because they have decided I’m a non-starter.”

"I do things differently because I don’t go by a rule book because I lead from the heart, not the head, and albeit that’s got me into trouble in my work, I understand that. But someone’s got to go out there and love people.”

Si Queen Consort Camilla, ay minsan nang tinaguriang "most hated woman in Britain" matapos na madawit sa hiwalayan nina King Charles III at Princess Diana noong 90s.

Ang Queen consort ay kinikilalang asawa ng isang reigning king (sa sitwasyon ng UK, si King Charles III na nga) at may katumbas na social rank at status ng hari, bagama't limitado ang kaniyang kapangyarihan sa political at military powers, maliban na lamang kung magiging regent siya.

Noong 2022 at nabubuhay pa si Queen Elizabeth II, siya mismo ang nagsabing kung sakaling mauupo na ang anak na si Charles III bilang hari ng Britanya, ang titulong ibibigay kay Camilla ay queen consort.

Samantala, marami sa mga netizen ang nagtaas ng kilay kay Camilla matapos siyang makoronohan.

"You've come a long way... Camilla."

"Well Camilla finally got her wish."

"Can't wait for the next queen consort."

"Today will be remembered as the death of the British monarchy!!!"

"Charles & Camilla WHO ????"

"Ay nagtagumpay ang shubet hahaha."