Humablot ng gold medal si Filipino karateka Jamie Lim matapos gapiin ang pambato ng Cambodia saSoutheast Asian (SEA) Games nitong Linggo.
Pinadapa ni Lim si Cambodian Vann Chakriya sa karate women's 61 kilogram (kg) kumite finals.
Si Jamie ay anak ni dating Philippine Basketball Association player Samboy Lim.
Noong 2019 SEA Games, pinitas ni Lim ang unang gintong medalya nito sa pagsabak nito sa kaparehong laban sa Pilipinas.
Gayunman, naka-bronze lamang ito sa sinalihang SEA Games sa Vietnam noong 2021.
Apat ding teammate ni Lim ang nag-uwi ng medalya sa 32nd SEA Games. Una ay si Sakura Alforte na nanalo ng gold medal sa women's individual kata habang si Junna Tsukii ay nakakuha ng silver sa 50kg kumite.
Kapwa ring nakakuha ng silver sina Ramon Misu at John Matthew Manantan sawomen’s68kgkumite at men’s67kgkumite, ayon sa pagkakasunod.