Nasa anim pang pagyanig ang naitala sa Taal Volcano, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo.

Sinabi ng Phivolcs, ang sunud-sunod na pagyanig ay nagsimula nitong Sabado (Mayo 6), dakong 5:00 ng madaling araw hanggang Linggo (Mayo 7), dakong 5:00 ng madaling araw.

Tatlong minuto ang itinagal ng mga pagyanig, ayon sa ahensya.

Nitong Mayo 4, nakapagbugarin ang bulkan ng 2,724 tonelada ng sulfur dioxide kada araw.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Naglabas din ng nakalalasong usok ang bulkan na umabot sa 600 metrong taas atipinadpad sa kanluran-timog kanluran.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures.

Babala pa ng Phivolcs, posible pa rin ang biglaang phreatic explosions, ashfall at sunud-sunod na pagyanig ng bulkan.