Ipinagtanggol ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) (DSWD) kaugnay sa napaulat na umano'y bulok na bigas at de-latang pagkain na ipinamahagi sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Nahihiya aniya siya sa DSWD sa nasabing ulat dahil pinangunahan niya mismo ang pamamahagi ng bigas at de-latang pagkain kung saan kinumpirma nito na nasa "maayos at malinis" ang mga ito.
"Dapat tayo ay nagpapasalamat kapag binibigyan tayo," paliwanag ni Dolor sa isang video na inilabas ng Public Information Office ng Oriental Mindoro Provincial Government nitong Sabado (Mayo 6) ng gabi.
"Sana, huwag na nating lahukan ng anumang ikasisira ng lalawigan natin ito. Kung talagang bulok, ipakita niyo sa akin...dahil kayo kong sabihin diretsa na hind ito bulok," dagdag pa ng gobernador.
Matatandaang naapektuhan ng oil spill ang lalawigan kasunod na rin ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan habang patungong Iloilo mula sa Bataan nitong Pebrero 28.