Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang maganap ang makasaysayang shutdown ng ABS-CBN sa free TV matapos na hindi aprubahan ang franchise renewal nito.

Mayo 5, 2020, sa kasagsagan ng pandemya, tumutok ang solid Kapamilya fans at viewers sa pag-shutdown ng ABS-CBN sa pamamagitan ng TV Patrol.

Bagay na muling ibinahagi ni Kabayang Noli De Castro sa kaniyang Instagram post.

"Tatlong taon na," panimula ni Kabayan sa kaniyang IG post.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Tinutupad po namin na hindi kami mananatiling nakatikom ang mga bibig.. itutuloy pa rin po namin kung ano ang aming ginagawa, may mga paraan.. salamat na lamang po sa teknolohiya, dahil nandito pa rin kami. #Kapamilya #kabayan #nolidecastro #abscbn #shutdown #franchise."

Nawalan man ng prangkisa at napagkaitan ng sariling frequency upang makapag-ere sa free TV, mapapanood pa rin naman ang ilang Kapamilya shows sa mga TV network gaya ng A2Z Channel 11 at TV5.

Buhay na buhay din ang Kapamilya Network sa online world, cable channels, at online streaming apps.

Nabigyan din ng pagkakataon ang iba't ibang kolaborasyon, gaya ng makasaysayang GMA-ABS-CBN teleserye na "Unbreak My Heart."

Sinasabing ang ABS-CBN Entertainment YouTube Channel ang nangunguna sa buong Asya.